“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda”, Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao lalo na sa mga pilipino. Isang inspirasyonal na kataga at kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapahalaga ng wika. Kahit maraming wikang banyaga ang alam na sabihin ni Rizal, hindi niya tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan ang wikang Tagalog na isa sa mga parating ginagamit ng mga Pilipino noon.
Ang diwa ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa sa Pilipinas ay isang mahalagang damhin ng bawat Pilipino. Filipino ang wikang panlahat – sa Ingles, ang ibig sabihin ng wikang panlahat ay ‘national language’. Ito ay nangangahulugan na mayroon ang mga Pilipino ng iisang wika na karaniwang ginagamit ng lahat ng Pilipino upang magkaintindihan magkaiba man ang katutubong wikang ginagamit.Tatag ng pagka-Pilipino dahil ang mga Pilipino ay mayroon lamang wika na nag-iisa at naiiba at kilalang tinatawag ito na wikang Filipino. Isang nais o layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at pulitikal na pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa. Maraming nagagawa ang paggamit ng wikang Filipino na makakatulong sa pagpapalakas ng pagka-Pilipino. Isa na rito ay upang matukoy ang mga kaugaliang Pilipino at maipaliwanag o masabi kung bakit ang mga nabanggit na katangian atkaugalian ng Pilipino ay nakatutulong sa ating pag-unlad at pag-angat. Isang bunga rin nito ay nasusunod ang mga paraan sa paggawa ng isang mabuting desisyon at naipakikita ang sariling pangunahing kasanayan sa pakikipamuhay. At higit sa lahat, ang paggamit ng lakas ng wikang Filipino ay tatak na ipinagmamalaki sa iba bilang isang Pilipino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento